MAGING MILYONARYO IN 10 YEARS?


Marami sa atin ang pangarap maging mayaman. Nagsisikap, nag-aaral ng mabuti, ginagalingan sa trabaho, at umaasam na kumita ng malaki para maging milyonaryo pagdating ng panahon. Ang problema, hindi natin binibigyan ang sarili natin ng deadline o timeline kung kailan ba natin dapat maabot ang ating pangarap.

Isa ka ba sa naghahangad maging milyonaryo within your lifetime? Puwes, hindi ito imposible mga kasiopao! Narito ang ilang hakbang na pwede mong gawin upang garantisadong maging milyonaryo sa loob ng 10 taon!

Mag-invest sa’yong financial education.

Kung gusto mong yumaman, ang unang dapat mong pag-aralan ay kung paano humawak ng pera. Madalas na nating naririnig sa mga successful na tao na, “You should always live below your means.” Magtipid at mag-ipon upang hindi masayang ang iyong pinaghirapan na hanap-buhay. Sa paunti-unting pag-iimpok, in a few years’ time, makakalikom ka rin ng pang-emergency fund. Tandaan ang ating savings formula na: income – savings = expenses.

 

    Mag-invest sa iyong trabaho o propesyon.

    Kung ano man ang income source mo sa ngayon — sa professional work, sa pagiging OFW, pag-aahente, o blue-collar job — mahalagang pinaghuhusayan natin sa ating kasalukuyang hanap-buhay. When you invest in yourself, may babaunin kang acquired skills at wisdom sa susunod na steps ng iyong career. At siyempre, bukod sa pag-iinvest sa sarili, mag-ipon din para sa iyong future investments upang lumago ang iyong pera.

     

    Mag-invest sa Mutual Fund.

    Kung gusto mong maging milyonaryo sa loob ng 10 taon, mainam magsimula sa mutual funds (MF). Mayroong nakahandang computation para sa iyo ang financial planners kung saan ay maipapaliwanag sa’yo kung paano aabot ng milyon ang iyong investment. Tandaan lamang na kung mas mataas ang ipinapasok mo sa MF, mataas din ang returns nito at garantisadong milyon ang maaari mong makuha. Sa MF, time is your ally in wealth build up!

     

    Mag-invest sa stocks.

    Medyo kumplikado unawain ang galaw ng stock market lalo na sa mga baguhan pa lamang na curious dito. May 2 uri ng stocks — (1) ang blue chips, na kumakatawan sa mga kilalang kumpanya na halos nagdidikta sa ekonomiya ng Pilipinas; at (2) ‘yung basura stocks, o mga baguhang players sa stock market na nangangailangan ng technical analysis experts. Kung “newbie” ka pa lamang sa larangan ng stock market, good news!, enroll ka na habang libre pa ang 'Intro to Stocks Investing and Stocks Trading'!

     

    Mag-invest sa Real Estate.

    Kung pangarap mo na dumating ang panahon na kahit hindi ka nagtatrabaho ay pumapasok ang pera sa’yo, magandang i-consider ang pag-iinvest sa real estate. Lalo na dito sa Pilipinas, kung saan ay unti-unti nang nagiging metropolitan areas ang mga bayan sa probinsiya. So, magandang ideya ang pag-a-acquire ng mga property dahil tumataas ang value ng mga lupa over time. Nariyan ang Pag-Ibig Fund na pwede mong i-maximize ang upang makapag-start ng investment. Sa halip na patulugin ang pera sa savings, better pa rin ang mag-invest.

     

    Mag-negosyo.

    Karamihan sa mga financially successful na tao ay engaged sa business. Although maraming nagsasabi na ang pagnenegosyo raw ay hindi para sa lahat, tandaan mo na hindi mo naman ito malalaman kung hindi mo susubukan. Maraming negosyo riyan na pwede mong pagkakitaankahit maliit lang ang iyong puhunan. Nariyan ang online jobs, pagbebenta ng produkto, at iba pa! Ang mahalaga, start somewhere upang magkaroon ng karagdagang kita.

    Investment ang susi sa pagiging milyonaryo — investment sa sarili at investment ng pera sa mga tamang dapat kalagyan nito. Importante rin ang disiplina sa sarili upang hindi palaging butas ang bulsa.

    Tandaan, madaling magpayaman kung mag-iinvest sa tamang paraan.

    ***

    About Kasiopao PH

    Kasiopao PH aims to democratize education for Filipinos. It teaches Filipinos financial education, skill-building and entrepreneurship.


    Leave a comment