ANO ANG PINAGKAIBA NG MUTUAL FUNDS AT UITF?


Pamilyar ka ba sa mutual funds at UITF? Ang mga ito ay basic investment terms.

Ang pag-iinvest ay isa sa mga magagandang paraan para ikaw ay yumaman – seasoned investor man o nagsisimula pa lang. Sa pag-iinvest mo mararanasan ang paraan ng pagpapalago ng iyong pera kung saan, your money does the work to multiply itself. Kailangan mo lang makapamili ng angkop na financial instruments ayon sa goals mo.

Sa ating bansa, 2 sa pinakakilalang financial instruments or “pooled funds” ang Mutual Funds at Unit Investment Trust Fund (UITF).

 Narito ang ilan sa Frequently Asked Questions (FAQs) tungkol sa mga ito.

 

Ano ang kahulugan ng UITF at MUTUAL FUNDS?

Ang UITF ay isang financial intsrument na ino-offer ng mga major banks dito sa ating bansa. Ito ay ready-made investments na kung saan ang mga pool funds na galing sa mga trusted investors ay mayroong iisang investment goal. Ang mga professional fund managers ang nag-iinvest ng iyong salapi. High returns ang iyong matatanggap sa ganitong paraan ng pag-iinvest.

Ang mutual funds naman ay ang mga pooled funds na nakokolekta mula sa iba’t ibang investors. Kumikita dito ang mga shareholders sa pamamagitan ng pag-iinvest sa mga pondo sa stocks or bonds. Ang investor ay maaari ring maging shareholder ng mutual fund kapag siya ay binigyan ng voting power sa korporasyon nito.

 

Magkano ang halaga na dapat mong ihanda sa pag-iinvest?

Bago ka mag-invest, kailangang malaman mo kung magkano nga ba ang dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-iinvest.

Sa UITF, ang minimum initial investment ay pumapatak mula ₱10,000.00 hanggang ₱100,000.00. Sa mutual fund naman, kailangan mo ng initial amount, worth at least ₱5,000.00.

 

Paano ang kalakaran sa UITF at mutual funds?

Minsan mapapaisip ka kung ano nga ba talaga ang binibili mo sa pag-iinvest.

Sa UITF bibili ka dito ng units of investments kung saan, ang mga financial experts na ang bahala kung saan ilalagak ang pera mo para ito ay mapalago.

Sa mutual funds naman, bibili ka dito ng shares of investments; at ang mga fund managers na ang pipili ng mga paglalagyan ng inyong shares para magkaroon ka ng kita.

 

Paano ka kikita sa ganitong mga klase ng investment?

Paano nga ba mapapalago ang pera once na nag-invest ka na.

Sa UITF, magkakapera ka pa sa pamamagitan ng pagbebenta ng units of participation sa malaking halaga.

Sa kinita naman galing sa dividends on stocks and interest on bonds ang maaaring pagmulan ng pera sa mutual funds.

Saan ka pwede kumuha at magbubukas ng investment?

Kung interesado kang magbukas ng account sa UITF, maaari kang magsadya sa commercial banks, trusted, investment or treasury departments para makapagsimula sa iyong investment.

Commercial banks and mutual fund companies naman ang dapat lapitan kapag gusto mong mag-invest gamit ang mutual funds.

Halos magkapareho ang investment strategies ng mutual funds at UITF. Kailangan mo lang I-assess ng husto kung saan mo mas dapat ipagkatiwala ang iyong pera mo. Either of the two, make sure your choice compliments your financial goals. And keep in mind that, if you want to start investing, you must keep on learning.

***

About Kasiopao PH

Kasiopao PH aims to democratize education for Filipinos. It teaches Filipinos financial education, skill-building and entrepreneurship.


Leave a comment