Real talk session: COVID19 Realizations


Ito yung blog post na hindi ka ipi-please. Hindi rin ito yung tipo na magbebenta sayo ng produkto sa bandang dulo at mas lalong hindi ito mage-endorso ng mga get-rich-quick schemes. Real talk tayo ngayon.

Dahil sa COVID-19, napatunayan na walang permanente sa mundo. Ultimo mga kumpanya nagsasara, kahit na mga bilyonaryo, bigla-biglang tsumutsupit sa stock market to take advantage of the bounces-slash-path to recovery. Pati mga artista at mga pulitiko (oh well, may mga pulitiko na magaling umarte sa harap ng camera so artista na rin sila), parang mga pusang nakatago sa mga lungga ngayon.

Ikaw anong naging realization mo?

Ako, realization ko - mas importante ang oras, pamilya at kalusugan. Oo, importante ang pera at kailangan ng panggastos sa mga pangangailangan natin araw-araw. Pero paano kung mismong kumpanya na pinagtatrabahuhan mo ang nagsara? O di kaya ay nagtanggal ng tao? Nagsimula na ang recession at tiyak mas marami pang susunod na mawawalan ng trabaho. Handa ka na ba kung sakali?

Kung may naitabi kang ipon na pwedeng magamit na bilang Emergency Fund, mabuhay ka! Isa ka sa mga endangered specie na Pinoy. Bibihira ang katulad mo at dapat kang tularan. Pero alam mo pare at mare, hindi kasi lahat ay kayang mag-ipon. Hindi lahat may magandang trabaho. Hindi lahat may trabaho.

Isa na ako doon. Wala akong trabaho. Unemployed.

Kumikita lang ako gamit ang aking skills. Skills na na-acquire ko lang. Nag-invest sa learning, mga libro, mga online courses, mga webinar. Kung susumahin, siguro nasa mahigit daang-daang libong piso na ang nagastos ko sa mga yan. Pero chill lang ako kasi nabawi naman. Mataas ang pinag-aralan ko (salamat sa scholarship) at marami akong professional certifications pero alam mo walang naitulong yung tinapos ko at mga lisensya ko sa hirap na dulot ng recession dala ng COVID-19. Na-realize ko na hindi mo kailangan ng formal education para kumita lalo na sa panahon ngayon.

Eh ano ang kailangan? Simple lang pare… Kailangan mo lang ng makabagong skills.

Mahilig ka sa games? Mahilig ka sa strategy? Lagi kang nakatutok sa smartphone mo? Pwede ka mag-trade ng stocks! Parang naglalaro ka lang ng games kapag nag-trade ka. Mananalo ka at matatalo paminsan-minsan. Depende sa preparasyon at strategy mo yan.

Di mo alam kung paano? Try mo mag-aral nang libre sa mga free online courses ngayon. Pero syempre dahil free yan, bibitinin ka nila, di tulad ng mga free videos namin dito sa Kasiopao na mahahaba ngunit siksik naman sa impormasyon at useful insights. Meron din sa YouTube kung gusto mo.

Pwede ka rin matuto ng mga online na pagkakakitaan. Pwede ka magbenta online sa dami ng ecommerce sites ngayon - Lazada, Shopee, at kung-anu ano pa. Pwede ka rin gumawa ng blog at maging affiliate marketer ng related na mga sites o products (naghahanap pala kami ng affiliate marketing partner baka gusto mo?). Pwede ka rin maging freelancer online (e.g., content writer, copywriter, web developer, virtual assistant, bookkeeper, etc.) at magkaroon ng mga kliyenteng mga local companies man o foreign companies.

Bakit ko sinasabi ito? Simple lang. Welcome to the new norm.

Tapos na tayo sa industrial era. Na-realize na ng lahat na papunta na talaga tayo sa digitalization (salamat sa coronavirus haha). Sa makabagong panahon na ito, hindi na kailangan pumasok sa opisina para mag-trabaho. Kahit nasa bahay ka lang, pwede na.  

Sarili mo lang ang kalaban mo lalo kung tatamad-tamad ka. Look, hindi tayo magtatagal sa mundong ito. We only have limited time. Our lives will not be judged based on how much money or wealth we accumulated during our lifetime. It is on how we spend our precious time.

Again, ito yung tipo ng blog post na hindi ka ipi-please. Hindi rin ito yung tipong magbebenta ng produkto sa sayo.

Kasi ikaw lang ang produkto ng sarili mo na dapat mong i-please.

https://www.kasiopaoph.com/

 ***

About Kasiopao PH

Kasiopao PH aims to democratize education for Filipinos. It teaches Filipinos financial education, skill-building and entrepreneurship.


Leave a comment